
Pumalag ang Malacañang sa akusasyon ni ACT-Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na ginagamit umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Local Government Support Fund o LGSF bilang “pork barrel” upang impluwensyahan ang mga lokal na opisyal bago ang barangay elections at Halalan 2028.
Ayon kay Palace Press Officer at Communications Usec. Claire Castro, walang basehan ang paratang at malinaw na nakalaan ito para palakasin ang ugnayan ng pambansa at lokal na pamahalaan at pabilisin ang pagpapatupad ng mga proyekto sa mga komunidad.
Iginiit ni Castro na hindi maituturing na pork barrel ang pondo dahil layunin nitong suportahan ang mga lalawigan, lungsod, at munisipalidad upang mas mabilis na maihatid ang serbisyo sa taumbayan.
Binigyang-diin pa ng Palasyo na sa halip na paninira at pang-iintriga, mas kailangan ng bansa ang mga konkretong suhestiyon upang matugunan ang mga suliranin ng mamamayan.
Sa ilalim ng 2026 national budget, P57.872 bilyon ang inilaan para sa LGSF.










