Local hog industry sa bansa, unti-unting nakakarekober sa African Swine Fever

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na unti-unti nang nakitaan ng paglakas ang recovery ng local hog industry sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ito’y bunsod ng ipinatutupad na ‘hog repopulation’ at Bantay African Swine Fever sa Barangay (BABay ASF) program at sa tulong na rin ng Local Government Units (LGUs), hog raisers’ groups, at ng pribadong sektor.

Paliwanag ni Dar na may 24 na barangay sa 16 na lungsod at munisipalidad na lamang ang mayroong kaso ng ASF hanggang ngayong buwan ng Agosto.


Dagdag pa ng kalihim, matatandaan noong kalagitnaan ng taong 2019, umabot ng hanggang 2,981 na mga barangay mula sa 579 lungsod at munisipalidad ang naapektuhan ng ASF kung saan ang karamihan ay sa Luzon.

Ibinida naman ngayon ng DA na may 484 na lungsod at munisipalidad sa bansa ang walang naiulat na kaso ng ASF.

Facebook Comments