Local hog industry, target na maibangon sa loob ng tatlo hanggang 5 taon matapos ang epekto ng ASF

Inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE program na may budget na ₱2.6 bilyon.

Ayon kay DA Secretary William Dar, layon nitong maibangon sa loob ng tatlo hanggang limang taon ang local hog industry kasunod ng epekto ng African Swine Fever (ASF).

Aniya, gagamitin ang pondo sa mga para sa mga sumusunod:


₱600 million – Repopulation program

₱500 million – Zero-interest loan para sa backyard raisers

₱1.5 billion – Bantay ASF barangay program

Tutulong na ang pribadong sektor na nakatuon sa animal health and nutrition at agribusiness.

Ipapatupad na rin ng DA ang clustering ng mga piggery kung saan hindi na puwede ang tig-iisang piggery sa bawat backyard hog raiser.

Ite-testing din sa loob ng isang buwan ang antiviral compounds na gawa sa fermented essential oils para maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 9.72 million heads ang baboy sa bansa mula sa 12.80 million noong Enero 2020 na katumbas ng 24.1% na kabawasan.

Facebook Comments