Local hog production, hindi maaabot ang demand ngayong taon – DA

Aminado ang Department of Agriculture (DA) na hindi maaabot ng local hog production ang demand ng bansa para sa taong ito.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, kapos pa rin ang supply para sa taong ito at tinatayang aabot lamang ito sa 400,000 metric tons.

“Hindi po natin maihahabol yung production ngayon. Within the year hindi kayang punuan yung kakulangan sa baboy,” sabi ni Reyes.


Pero binanggit din ni Reyes na inilunsad na ng pamahalaan ang hog repopulation program na “Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion” o INSPIRE.

Target ng pamahalaan na magkaroon ng 25.5 million finishers at 4.5 million breeders na sakop ng insurance mula 2021 hanggang 2023.

Noong nakaraang buwan, ang Minimum Access Volume (MAV) Advisory Council ay inirekomendang taas ang pork imports sa 400,000 metric tons ngayong taon para matugunan ang pork supply shortage.

Facebook Comments