Patuloy ang isinasagawang road clearing operation ng mga local police sa kanilang area of responsibility na sinalanta ng Bagyong Maring.
Ito ay matapos na ipag-utos ni Philippine National Police o PNP Chief General Guillermo Eleazar.
Sinabi ni PNP chief, sa kabila ng babala ay marami pa rin ang naipit sa baha at nauunawaan nila ito dahil hindi naman talaga inaasahan na maapektuhan ang kanilang mga lugar.
Bukod dito, nangangamba rin ang ilan sa paglikas dahil sa takot na mahawa ng Coronavirus.
Kaya ayon kay PNP chief, kasama sa naging plano ng PNP sa paghahanda ay paano makakaiwas sa virus sa harap paghagupit ng bagyo.
Utos din ni PNP chief sa mga local police na makipag-ugnayan sa Local Government Units (LGU) para makatulong sa pamamagi ng ayuda sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.