Pinayuhan ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na mas tangkilikin ang “Pinoy pork” kaysa sa mga produktong baboy na galing sa ibang bansa.
Ayon kay DA Secretary Manny Piñol, ito ay sa gitna na rin ang pagsusumikap ng pamahalaan na hindi makapasok sa Pilipinas ang African swine fever o ASF.
Apela ni Piñol, iwasang mag-uwi ng mga baboy at “pork-by products” gaya ng mga sausage, hams at kahalintulad, kahit pa canned goods lalo na yung mga galing sa abroad.
Agad na kukumpiskahin ang mga ito sa airport pa lamang at ang mga lalabag ay mahaharap sa pagmumulta na aabot sa P200,000.
Dagdag pa ng kalihim na ang mga bansang apektado ng ASF ay ang Belgium, Bulgaria, Czech Republic, Hungary, Latvia, Moldova, Mongolia, Poland, Romania, Russia, South Africa, Ukraine at Zambia, maging ang Cambodia, China, Hong Kong at Vietnam.
Paliwanag ng kalihim ang ASF ay isang nakamamatay na sakit na mula sa mga baboy.