Tampok sa Food Marketing Exhibit ng Pangasinan State University – San Carlos City Campus ang iba’t ibang produktong gawa sa lokal na sangkap, bilang bahagi ng Food Expo 2025 na may temang “Savoring Food Innovation and Culinary Quest for What’s Next.”
Sa naturang expo, nagtagisan ang mga mag-aaral sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng cooking, baking, fruit carving, brochure making, vlogging, at photography, na nagpakita ng kanilang kasanayan sa paglikha ng mga produktong gumagamit ng lokal na sangkap gaya ng mangga, saging, at ube.
Higit pa rito, sinanay rin ang mga kalahok sa epektibong pag mamarket ng kanilang mga produkto upang maging handa sa pagnenegosyo.
Nagbahagi ng kaalaman at nagsilbing hurado ang mga kinatawan mula sa Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), City Tourism Office, Pamahalaang Panglungsod, at unibersidad.
Ayon sa unibersidad, hindi nagtatapos sa paggawa ng produkto ang pagbuo ng matagumpay na negosyo, kundi sa mahusay na marketing na magdadala ng produkto sa tamang merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









