LOCAL PUBLIC TRANSPORT ROUTE PLAN, NAKATAKDANG IPATUPAD SA PANGASINAN

Naaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang pagpapatupad ng Local Public Transport Route Plan alinsunod sa mga alituntunin ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Sa session ng Sangguniang Panlalawigan, sinabi ni Engr. Karen Castañeda, LTFRB Region 1 Planning Officer, 44 na rationalized routes at 12 developmental routes.
Sa naturang routes, nasa 1, 262 na modernized jeepneys ang kinakailangan para sa rationalized routes at 100 sa developmental routes.

Ang Pangasinan ang kauna-unahang probinsya sa rehiyon na na nag-comply sa LPTRP. Ang LPTRP ay ang plano na pagdedetalye sa network ng ruta at kinakailangang bilang ng mga yunit sa bawat klase ng mga sasakyan kada bayan para sa paghahatid ng mga pampublikong Land Transport Services.
Ito rin ang magsisilbing batayan ng LTFRB para sa issuance ng prangkisa sa mga Public Utility Vehicles (PUVs).
Sinabi ni LTFRB Region 1, Chief Transportation Development Officer Atty. Anabel Nullar, ang modernization PUVs ay hanggang sa march 31, 2023 lamang.
Inihahanda ang transfer plan para sa mga miyembro ng kooperatiba para sa mga naapektuhang drayber. |ifmnews
Facebook Comments