Tuesday, February 10, 2026

LOCAL PUBLIC TRANSPORT SYSTEM SA ALAMINOS CITY, GINAWARAN NG COMPLIANCE SA LTFRB

Ginawaran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Regional Franchising and Regulatory Office I (LTFRB RFRO I) ng Notice of Compliance ang lokal na pamahalaan ng Alaminos City bilang patunay ng pagsunod ng lungsod sa mga kinakailangang rekisito para sa pagpapatupad ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP).

Ayon sa LTFRB, ang pagkakaloob ng compliance ay hudyat na maayos na naisakatuparan ng lungsod ang mga pamantayan sa pagpaplano ng ruta, konsultasyon sa mga transport stakeholder, at koordinasyon sa komunidad para sa isang mas organisado at sistematikong lokal na pampublikong transportasyon.

Bunsod nito, inaasahang mas magiging malinaw ang mga rutang pampasahero, mas episyente ang daloy ng transportasyon, at mas angkop ang mga serbisyong pampubliko sa aktuwal na pangangailangan ng mga commuter sa lungsod.

Nilinaw rin na ang pagpapatupad ng LPTRP ay bahagi ng mas malawak na transport reform program ng pamahalaan na layong gawing mas ligtas, maaasahan, at accessible ang pampublikong transportasyon sa mga lokalidad.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga kinauukulang ahensya sa lungsod upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad at monitoring ng lokal na public transport system sa Alaminos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments