Dumoble ang locally sourced revenue (LSR) ng Currimao, Ilocos Norte noong 2024 sa ₱40,233,926.94 mula sa ₱20,328,319.40 na naitala noong 2023.
DAhil dito, kinilala ng Department of Finance–Bureau of Local Government Finance (DOF-BLGF) ang bayan bilang isa sa Top 10 Performing Local Government Units (LGUs) sa bansa.
Ang pagtaas ng kita ay pangunahing bunga ng pagbabayad ng real property tax mula sa solar energy plant sa Barangay Paguludan-Salindeg, pati na rin ng pagtatayo ng mga cement warehouse sa bayan.
Tatanggap ng pagkilala ang Currimao sa Nobyembre 5, 2025, kasama ng iba pang nangungunang lungsod at munisipalidad sa bansa bilang patunay sa dedikasyon na magbukas ng oportunidad sa mga residente at mapataas ang kita ng bayan na tutugon sa iba pang programa at proyekto.









