Pormal nang binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang local source code review ng automated election system (AES) na gagamitin sa May 2022 election.
Magtatagal ang review period ng halos anim na buwan at layong matiyak ang transparency sa election system at madetect ang posibleng banta na makakaapekto sa magiging resulta ng halalan.
Ang pagbubukas ng source code review ay ipinag-utos sa ilalim ng Republic Act 8436 o ang Automated Elections Law.
Nakasaad sa batas na kailangang payagan ng komisyon ang political parties at mga kandidato o ang kanilang mga kinatawan, citizens’ arm o mga representatives na suriin o itest ang makina para matiyak na ang system ay nag-ooperate ng maayos at tama.
Ang source code ay tumutukoy sa set ng instructions, statements o human readable language.