Kasabay ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, kusang loob naman na sumuko sa tropa ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army ang lider ng local terrorist group at pito nitong mga followers sa Barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao.
Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command, ang sumukong lider ng teroristng grupo ay si Ebrahim Guno, alyas Kagui Katatang.
Habang ang pito nitong mga follower ay sina Ausang Salik, alyas Salik; Kaloy Kaki, Guno Dimatingkal, Morsid Dilambasen, Ali Mama, Datu Mama Esmail at Morsad Zumbaga.
Bilang patunay na seryoso ang kanilang pagsuko, isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas.
Ito ay dalawang caliber 5.56 mm M16, dalawang caliber 30 garand, isang M16, isang homemade M79, isang caliber 30 Carbine, isang 7.62mm M14, at isang homemade 7.62 Mauser, at dalawang homemade rocket-propelled grenades.
Ipinagmalaki naman ni Col. Jesus Rico Atencio, 1st Mechanized Infantry Brigade Commander, na sa loob ng tatlong araw 23 local terrorist ang sumuko sa militar sa kanilang area of operation.