Local terrorist group na Ansar Al Khilafa Philippines, nasa Sarangani pa rin

General Santos City – May sightings pa rin ng Ansar Al Khilafa Philippines sa Sarangani, ito ang kinumperma ni Police Chief Inspector Neil Wadingan, Spokesperson ng Sarangani Provincial Police Office.
Sinabi nito na base sa kanilang intelligence monitoring may iilang miyembro pa ng Ansar Al Khilafa Philippines na kilalang sympathizer nga Maute terrorist group at isis na nagtatago sa Maasim, Kiamba at Maitum o Makima area.
Sa ngayon inaalam din nila ang operasyon ng nasabing grupo dahil narin sa mga reports na involved din ito sa bintahan ng droga sa ilang lugar sa Sarangani at Sultan Kudarat.
Kung matatandaan na noong nakaraang linggo dalawang kasapi ng Anzar Al Khilafa Philippines ang naaresto ng PDEA Regional Office-12 sa isinagawang search operation sa Maasim, Sarangani kung saan silay nakunan ng pinaghihinalaang shabu mga bala at explosive.

Facebook Comments