𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗟𝗔𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦

Sa layon na lalo pang palakasin ang local tourism sa bayan ng Lingayen, nakipagtulungan ngayon ang Lingayen Tourism and Cultural Affairs Office sa tanggapan ng Department of Tourism (DOT) Region 1 at nagsagawa ng isang manual DOT Accreditation of Tourism Establishments.
Ang naturang aktibidad ay hiniling ng LTCAO sa pagkakaroon nila ng layunin na maitaas pa ang lokal na turismo sa kanilang bayan.
Tumatanggap rin sila ng mga participants mula sa ibang kalapit na bayan na may intensyon rin na makatulong sa pagpapalakas at pagsusulong ng turismo sa Region 1.

Habang nasa ilalim ng maintenance ang DOT Online Accreditation System, nagbigay ng katiyakan ang mga awtoridad sa mga establishments na manu-manong magpapatuloy ang accreditation task.
Ang naturang accreditation rin na ito ay magbibigay ng ng maraming benepisyo kasama na riyan ang pagpapalakas ng reputasyon ng mga establisyimento, pagtaas ng tourist visibility, at mas mataas na pamantayan ng mga serbisyo sa turismo.
Sa mga interesado pa at nais na magparticipate, bukas ang manual accreditation na ito hanggang sa November 9, 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments