Hinimok ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang traders na sa local farmers na lang muna mag-angkat ng manok.
Kasunod ito ng ipinatupad na temporary ban ng Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng poultry products mula sa Brazil matapos na madiskubreng kontaminado ito ng COVID-19.
Kasamang kinansela ng Kagawaran ang mga import application na isinumite ng mga trader dalawang linggo bago ang incubation period ng sakit.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BAI Executive Director Ronnie Domingo na kinikilala nila ang negosyo ng ating mga kababayan pero mahalaga rin na matiyak ang kaligtasan ng mga konsyumer.
Nabatid na nag-aangkat ang Pilipinas ng poultry products sa 14 na bansa kung saan 15% ng mga produkto ay galing sa Brazil.
Matatandaang naghigpit na rin ang Bureau of Customs (BOC) sa pagpapasok ng poultry products sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa nasabing bansa.