Nasa 91% na ang local transmission ng COVID-19 sa Northern Mindanao.
Sa tala ng Department of Health (DOH), nasa 25,511 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon matapos na makapagtala ng 230 bagong kaso.
Sa nasabing bilang, 2,922 ang active cases.
Ayon kay DOH-Northern Mindanao Regional Director Dr. Jose Llacuna Jr., isang buwan bago ito, nasa 10% lang ang active cases sa rehiyon habang marami ang naitatalang gumaling sa sakit.
Aniya, one-third ng mga kaso ay naitala sa Cagayan De Oro City kung saan nasa high-risk na ang hospital capacity.
Una nang kinumpirma ng DOH na 25% ng COVID-19 cases sa bansa ay naitala sa Mindanao.
Facebook Comments