Patuloy ang local transmission ng mpox clade II sa Pilipinas partikular na rito sa Metro Manila.
Ito ang direktahang sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa matapos maitala ang dalawang bagong kaso ng mpox sa bansa.
Ayon sa kalihim, ito ay dahil naipapasa ang sakit sa pamamagitan ng skin-to-skin, gaya ng pakikipag-talik at iba pang paraan ng pagdidikit ng balat ng mga indibidwal.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang kalihim sa publiko na iwasan muna ang close, intimate at skin-to-skin contact upang maiwasang mahawa ng mpox.
Makabubuti rin aniya na dalasan ang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng mga magtatakip sa balat.
Muli namang nilinaw ng kalihim na hindi nakukuha sa hangin o nakahahawa sa pamamagitan nito ang naturang sakit.
Facebook Comments