Local Transmission sa Cotabato City, mariing pinabulaanan !

33

Pinabubulaanan ng Cotabato City Government at Office on Health Services ang impormasyong kumakalat na may Local Transmission ng Covid-19 sa syudad.


Sa panayam ng DXMY kay City Health Officer Dr. Meyasser Patadon, nagpapatuloy pa imbestigasyon upang matukoy kung ang pinakahuling mga kaso ng covid-19 sa syudad hospital o community acquired.

Nakatakda ring magpulong ang mga myembro ng IATF Cotabato para mapag-usapan ang tunay na Covid-19 Situation sa syudad dagdag pa ni Dr. Patadon.

Pinakahuling pasyente ng Corona Virus sa Cotabato City ay apat na mga Health Care Workers ng Cotabato Regional and Medical Center.
Kaugnay nito, umaapela si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi sa lahat ng mga posibleng nakasalimuha ng mga bagong Covid-19 patients habang hinihimok rin nito ang lahat ng kanyang mga kababayan na patuloy na makiisa sa kampanya sa LGU sa paglaban sa Covid-19.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments