Local universities at colleges, makakatanggap ng reimbursements sa 2023

Makakatanggap ng reimbursements ang local universities and colleges (LUCs) sa 2023 kaugnay na rin sa implementasyon ng free higher education program sa ilalim ng pambansang budget.

Ito ang tiniyak ni Basic Education Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian matapos masita ang isang seksyon ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act kung saan may hinihingi munang kondisyon bago payagan ang isang LUC na i-claim ang reimbursement para sa pagpapatupad ng libreng matrikula sa mga mag-aaral.

Sinita ni Gatchalian na taliwas sa layunin ng batas ang pagpapahirap na ginagawa sa mga local universities and colleges.


Binigyang diin ng senador na walang ibang kondisyon sa free college education law na magdidiskwalipika sa isang LUC na makuha ang kanilang reimbursement para sa implementasyon ng batas.

Kabilang sa mga LUC na makakatanggap ng reimbursement sa susunod na taon para sa pagpapatupad ng free college tuition ay ang Taguig City University, Valenzuela City Polytechnic College, at Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

Nauna nang nai-report ng Commission on Audit (COA) ang humigit kumulang P250 million na reimbursements para sa tatlong paaralan.

Facebook Comments