Ipinahinto na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang localization program ng Philippine National Police.
Ito’y matapos ang malawakang reassignment na ipinatupad ni dating PNP Chief Camilo Cascolan.
Ayon kay Sinas, kailangan itong ihinto dahil may tamang proseso at polisya sa paglilipat ng mga tauhan at hindi basta sa pamamagitan ng hiling.
Dagdag pa niya, delikado ang ganitong rotation lalo pa’t may COVID-19 pandemic.
Nabatid na 4,000 hanggang 5,000 ang mga pulis na inilipat ng assignment sa nakalipas na dalawang buwan.
Facebook Comments