
Cauayan City – Aktibong pinapairal ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City ang localized dispute resolution sa mga purok.
Layon ng inisyatibong ito na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa barangay sa pamamagitan ng mabilis at makataong pagresolba ng mga di pagkakaunawaan, nang hindi na kailangang umabot pa sa mas mataas na antas ng pamahalaan.
Ayon kay Kagawad Rolando A. Tacuboy, naging posible ang inisyatibong ito dahil sa maayos na pagpapakalat ng mga Barangay Police sa kanilang nasasakupan, na nagsisilbing tagapag-ugnay at tagapagbantay ng katahimikan sa bawat purok.
Facebook Comments









