Localized ECQ sa Ilocos Norte, pinalawig

Extended ang umiiral na localized lockdown sa lahat ng probinsya sa Ilocos Norte.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc na ito ay bunsod nang malawakang hawaan ng COVID-19 Delta variant.

Aniya, sa 23 na bilang ng munisipalidad na kanyang nasasakupan, 13 dito ang mayroong Delta variant.


Sa ngayon, nasa 32 ang active Delta variant COVID-19 cases sa Ilocos Norte.

Ang Laoag at Batac aniya ang may pinakamataas na kaso ng virus.

Sa ngayon, pinaigting nila ang Prevent, Detect, Isolate, Treat, at Reintergrate (PDITR) startegy sa kanilang lugar.

Kasunod nito umaapela ang lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte sa national government na bigyan sila ng dagdag na vaccine allocations nang sa ganoon ay mabigyan ng proteksyon ang mga Ilokano.

Facebook Comments