Hindi magrerekomenda ang OCTA Research Group sa pamahalaan na magpatupad ng hard lockdowns sa ilang lugar sa bansa ngayong holiday season.
Ito ay kahit pa may bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar na bansa.
Ayon kay University of the Philippines Professor Guido David, mas nag-improved ang sitwasyon ngayon kumpara sa nakalipas na tatlong buwan kaya hindi na kinakailangan ang hard lockdown para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 ngayong kapaskuhan.
Giit ni David, mas magandang localized lockdown na lang ang ipatupad ng Local Government Units sa nasasakupan nilang lugar na may pagtaas ng kaso ng COVID-19 partikular sa walong “provinces of concern” na tinukoy ng OCTA research.
Kabilang dito ang mga probinsya ng Davao Del Sur, Benguet, Isabela, Bataan, Leyte, Ilocos Norte, Pangasinan at Cagayan.