Manila, Philippines – May nakahanda nang executive order ang Malakanyang para sa tinatrabahong localized peacetalks.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec Harry Roque, makaraang iprisinta sa Pangulo ang draft kaugnay dito, sa ginanapnna cabinet meeting noong Lunes.
Ayon kay Roque, laman ng nasabing draft ang mga kondisyon para sa pagpapatupad nito.
Hindi naman binanggit pa ni Roque kung kailan ilalabas ng palasyo ang executive order para sa localized peacetalks.
Nauna nang sinang ayunan ni pangulong Duterte na gawin na lamang ang pakikipag usap sa mga komunistang grupo sa bawat lokalidad sa bansa kung ito ang uusad at magtatagumpay kesa ang pakikipag usap sa matataas na lider ng mga rebelde na nasa ibang bansa tulad ni CPP founding Chairman Jose Maria Sison.