Hindi lang pang-ulam, maaari na ring gawing pang-himagas at sabon ang Seaweed sa Balaoan, La Union!
Dahil sa patuloy na pagsasanay para sa inobasyon ng produkto, isinagawa kamakailan ang Seaweed Polvoron Technology Training bilang karagdagang pagkakakitaan ng mga residente.
Itinuro sa labin-limang kababaihan ang tamang paraan ng pagproseso, pagbalot, at pagmemerkado ng Seaweed Polvoron, isang masustansya, locally made delicacy na gawa sa mga seaweed tulad ng Eucheuma at Gracilaria.
Nauna na ring inilunsad ng parehong mga kalahok ang iba pang produkto mula sa seaweed tulad ng pickles, candy, flakes at sabon.
Layunin ng pagsasanay na bigyan ng kasanayan at oportunidad ang mga baybaying komunidad, bilang isa ang Balaoan sa mga nangungunang bayan sa La Union na gumagawa ng seaweed culture, upang mapakinabangan ang yamang-dagat at makabuo ng matatag at napapanatiling kabuhayan.
Umani ng bagong kaalaman at inspirasyon ang mga kalahok, na ngayon ay may kakayahang magsimula ng sariling seaweed-based negosyo para sa kanilang pamilya at komunidad. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









