Nagbabala ang Taguig City Government sa posibleng pagpapatupad ng lockdown at quarantine restrictions sa lungsod sa lalong madaling panahon
Ibinabala ito ni Mayor Lino Cayetano sa harap ng maraming report ng mga paglabag sa health at safety protocols.
Ayon sa alkalde, bagama’t mahigpit nilang naipapatupad ang health protocols sa kanilang lungsod ay mayroon pa ring business establishments sa Metro Manila na mayroong mamamayan na hindi maingat.
Tinukoy rin ng alkalde ang mga nagaganap na social gatherings, malaking party ng magpa-pamilya, overcapacity sa mga restaurant at mga bar na palihim na nag-o-operate.
Ikinalugod naman ng Taguig Local Government Unit (LGU) ang pananatili ng kanilang lungsod sa may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa buong Metro Manila.