Lockdown, early detection at early isolation, sikreto ng China kung bakit pababa na ng pababa ang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa

Nakapagtala ng significant drop ng kaso ng COVID-19 sa Mainland China.

Ito ang kinumpirma ni Ambassador of the Philippines to the People’s Republic of China Jose Santiago Sta. Romana sa Laging Handa Public Press Briefing.

Ayon kay Sta Romana, bumubuti na sa kabuuan ang sitwasyon ngayon sa China at ang magandang balita aniya ay wala ni isang Pilipino doon ang tinamaan ng Coronavirus Disease.


Nakikitang sikreto ni Sta Romana kung bakit patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa China ay ang pagsara o lockdown ng border nito sa lahat ng foreign travelers at pagpapatigil sa lahat ng international flights gayundin ang early detection at early isolation.

Naging maagap din aniya ang gobyerno ng China sa pagtatayo ng designated COVID Hospitals at doon inihiwalay ang mayroong mild & severe symptoms ng COVID.

Pinaglagakan din ng mga pasyente na may sintomas ng COVID ang malalaki nilang gymnasium at stadium upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Sa ngayon maituturing na aniyang back to normal ang sitwasyon sa China dahil bukas na ang mga shops, restaurants, offices at nagsisimula naring makaranas ng traffic sa ilang major cities.

Sa Wuhan na itinuturing na episentro ng COVID-19 pandemic ay ili-lift narin ang lockdown sa darating na April 8.

Facebook Comments