Lockdown kaugnay ng COVID-19 threat, hindi muna pinapayo ng DOH

Tumanggi muna ang Department of Health (DOH) na magrekomenda ng pagpapatupad ng lockdown kaugnay ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Health Asec. Maria Rosario Vergeire, maaari lamang ipatupad ang lockdown kapag itinaas na nila sa sub-level 2 ang Code Red.

Nilinaw din ni Dr. Vergerie na kaya lamang biglang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa pinaigting pa nila ang kanilang surveillance system.


Aniya, karamihan din sa mga bagong kaso ng COVID-19 ay may travel history sa ibang bansa.

Malinaw din, aniya, na wala pang community transmission sa ngayon.

Masusi rin, aniyang, pinag-aaralan ngayon ng DOH kung bakit kahit mainit na ang panahon ay tumataas pa rin ang bilang ng nagpopositibo sa virus.

Inihalimbawa ni Dr. Vergeire ang pagkakaroon ng kaso ng COVID-19 kahit sa mga maiinit na bansa.

Ipinapayo naman ng DOH ang home quarantine lalo na sa mild cases lamang para maiwasan ang punuan sa mga ospital.

Ang tanging ipinapayo lamang ng DOH na madala sa mga ospital ay ang mga pasyenteng may severe cases.

 

Facebook Comments