Lockdown, posibleng ipatupad sakaling makapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID-19

Posibleng isailalim muli sa lockdown ang bansa sakaling makapasok ang bagong strain ng COVID-19 mula sa United Kingdom.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-iisipan nilang ibalik sa lockdown depende sa dami ng magiging kaso ng bagong variant ng virus.

Una rito, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mag-uusap sila ni Health Secretary Francisco Duque III para maglagay ng threshold kung gaano karaming kaso ang naiitala bago sila magpatupad ng lockdown.


Samantala, ayon kay NTF on COVID-19 Chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., dapat magkaroon ng “pro-active measures” ang pamahalaan para paghandaan ang bagong COVID-19 strain.

Kabilang aniya rito ang hindi muna pagrekomenda sa mga Overseas Filipinos sa UK na umuwi sa bansa.

Facebook Comments