Lockdown protocols sa mga checkpoints, pinaparepaso ng isang Senador

Umapela si Senator Francis Kiko Pangilinan sa Inter-Agency Task Force (IATF) on emerging infectious disease na repasuhin ang lockdown protocols sa mga checkpoints.

Ito ay para makamit ang social distancing o hindi pagdidikit dikit ng mga tao para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pahayag ito ni Pangilinan, makaraang magkumpulan ang mga tao sa mga checkpoints papasok ng Metro Manila na nakasalilalim sa community quarantine.

Ayon kay Pangilinan, hindi rin nasunod ang social distancig dahil libo-libong pasahero ng MRT, bus, at jeepney ang stranded sa pila sa mga estasyon, checkpoint, bus at jeepney stop.

Binanggit din ni Pangilianan na karamihan sa mga checkpoints ay kulang ang gamit na thermal scanners at wala ding protective gear ang mga sundalo at pulis.

Facebook Comments