Lockdown sa 5 barangay sa Bontoc, Mt. Province, posibleng palawigin

Photo Courtesy: Provincial Government of Mountain Province Facebook Page

Posibleng ma-extend pa ang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown sa 5 barangay sa Bontoc, Mountain Province na nakitaan ng panibagong strain ng COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Bontoc, Mountain Province Mayor Franklin Odsey na maaaring palawigin ang umiiral na lockdown kung mabibigo ang kanilang mga contact tracers na maisagawa ang contact tracing sa 2nd hanggang 3rd generation ng mga nagpositibo sa virus.

Pero sa ngayon, nasa Bontoc na aniya ang mga contact tracers mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1 at Region 2 upang umasiste sa pinaigting nilang contact tracing.


Kabilang sa mga nasa ilalim ngayon ng ECQ hanggang January 31 ay ang mga barangay Bontoc Ili, Caluttit, Poblacion, Samoki, at Tocucan.

Umaasa naman ang alkalde na hindi mauuwi sa province wide ang lockdown upang hindi mahirapan ang kanyang mga nasasakupan.

Kanina, sinabi nito na 2 na lamang mula sa 12 taga Bontoc, Mt. Province na tinamaan ng bagong variant ng COVID-19 ang nananatili sa ospital at nagpapagaling.

Isa ang nakatakdang ma-discharge ngayong araw, 3 ang naka-strict home quarantine at 6 ang na-discharged na at sumasailalim din sa strict home quarantine.

Facebook Comments