LOCKDOWN SA BAYAMBANG AT MARKET SCHEDULE, HINDI TOTOO AYON SA LOCAL IATF

BAYAMBANG, PANGASINAN – “WALANG LOCKDOWN NA MAGAGANAP SA BAYAMBANG” Ito ngayon ang iginiit ng pamahalaang lokal kasabay ng napapabalita umanong magkakaroon ng lockdown sa bayan dahil pa rin sa COVID-19 surge sa bansa at sa Pangasinan.

Nagpulong din umano ang Bayambang Local Inter-Agency Task Force against COVID19 ay hindi ito napag usapan bagkus ay plano sa mahigpit na protocols.

Nananawagan lamang ang Local IATF na maging maingat ang lahat at sumunod sa public health protocols sa lahat ng oras.


Hindi rin umano totoo ang kumakalat na magkakaroon ng schedule sa Bayambang Public Market.

Tuloy ang operasyon ng palengke, subalit lalong paiigtingin ang pagpapatupad ng protocols doon.

Facebook Comments