Lockdown sa Cotabato City , FAKE NEWS ayon kay Mayor Cynthia

Mariing pinabubulaanan ni Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani ang mga kumakalat na mga impormasyon na simula ngayong araw ay muling magpapatupad ng LOCKDOWN sa syudad.

“Wala aniya itong katotohanan” o FAKE NEWS giiit pa ng alkalde sa kanyang FACEBOOK Post kagabi.

Huwag rin aniyang agad magpapaniwala sa mga ipinapalabas na impormasyon lalo na kung hindi direktang nagmumula sa City Government at City Officials.


Ang pahayag ng Alkalde ay matapos na lumabas at kumalat sa social media ang dati pa nitong advisory sa facebook na may petsa pang April 23.
Kaugnay nito, patuloy namang inaantay pa ang magiging sagot mula sa National Inter Agency Task Force sa inilabas na resolution ng SP kasabay ng rekomendasyon ng Cotabato Regional and Medical Center na muling isailalim sa ECQ ang syudad.

CCTO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments