Lockdown sa DILG-NAPOLCOM Center sa Quezon City, pinalawig pa ng isang linggo

75

Pinalawig pa ng isang linggo ang lockdown sa Department of the Interior and Local Government-National Police Commission (DILG-NAPOLCOM) Center sa Quezon City.

Sa inilabas na pahayag ng NAPOLCOM, isang empleyado mula sa Central Office ang nagpositibo sa COVID-19.


Dahil dito, sarado pa rin ang opisina nito na matatagpuan sa Quezon Avenue, West Triangle, Quezon City mula July 13 hanggang July 17.

Ang naturang pagpapalawig ay para mabawasan ang physical interaction at makapagsagawa pa ng contact-tracing activity.

Unang ini-lockdown noong July 5 ang NAPOLCOM mula July 6 hanggang July 12 matapos magpositibo si DILG Usec. Epimaco Densing III sa COVID-19.

Facebook Comments