Lockdown sa gusali ng Senado, pinalawig hanggang sa Holy Week

Nagpasya si Senate President Tito Sotto III na paabutin sa Holy Week ang umiiral na lockdown sa gusali ng Senado bilang bahagi ng pagpigil na lalo pang kumalat ang COVID 19.

Ayon kay Sotto, dahil sa lockdown ay walang papasukin sa gusali ng Senado, maliban sa Miyerkoles kung kelan magdaraos sila ng plenary session upang ipasa ang ilang mahalagang mga panukalang batas at mga local bills na hiling ng kamara.

Binanggit ni Sotto na sa Miyerkoles din ay kailangang magsagawa ng hearing ang Commission on Appointments sa ilang opisyal ng militar at ng Department of Foreign Affairs.


Sabi ni Sotto sa naturang mga pagkakataon ay kailangan niyang magpunta sa Senado, kasama ang ilang senador at ilang staff ng Senate Secretariat.

Ito ay dahil sa rules ng Senado ay dapat may physically present para sa pagsasagawa ng hybrid plenary session.

Sa deriktiba ni Sotto ay isasailalim muli sa semi lockdown ang Senado pagkatapos ng Holy Week o mula April 5 kung saan magkakaroon lang ng skeletal force sa bawat tanggapan bilang pag-iingat sa COVID 19.

Facebook Comments