Lockdown sa ilang lugar sa India, inalis na dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19

49

Niluwagan na ang pagpapatupad ng lockdown sa siyudad ng New Delhi at Mumbai sa India dahil sa pagbaba ng kaso ng Indian variant ng COVID-19.

Ayon kay Delhi Chief Minister Arvind Kejriwal, kailangan nang ibalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa na naapektuhan ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan.


Dahil dito, binuksan na ang mga establisyemento, shops at malls ng 50 porsyento sa Delhi.

Matatandaang una nang naitala ang record-breaking ng kaso ng COVID-19 sa India kung saan nasa 347,000 ang nasawi.

Facebook Comments