Lockdown sa isang lugar sa Navotas City, pinalawig pa

Inirekomenda na ng Navotas City Health Office ang pagpapalawig sa lockdown sa H. Monroy Street sa Barangay Navotas West hanggang June 24, 2020.

Ayon sa Navotas City Health Office, sa 49 na naging reactive sa rapid test, isa ang nagpositibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng RT-PCR test.

Ayon kay Navotas City Mayor Tobi Tiangco, kailangang palawigan ang lockdown para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng mga residente nito.


Kaugnay nito, magpapatuloy ang pamimigay ng social pension ng lokal na pamahalaan sa 13,800 na senior citizens.

Bawat isa ay tatanggap ng P3,000 para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon pati na ang ilan na hindi nakatanggap ng unpaid benefits noong 2019.

Muli namang nagpaalala ang alkalde sa mga residente nito na gawin ang lahat ng pag-iingat at seryosohin ang panganib ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocols.

Facebook Comments