Lockdown sa New York City, pinalawig pa hanggang Hunyo

Muling pinalawig ng New York City ang ipinapatupad na lockdown.

Batay sa Executive Order na pirmado ni State Governor Andrew Cuomo, pinalawig ang lockdown hanggang June 13, 2020 habang niluwagan naman ang stay at home orders habang ang mga negosyo ay dahan-dahan na binubuksan.

Nagunguna ang New York City sa Amerika na may pinakamaraming kaso ng COVID-19.


Samantala, tiwala naman si US President Donald Trump na magkakaroon na ng gamot para sa COVID-19 bago matapos ang taong ito.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang Amerika ng higit 88,000 Coronavirus deaths at 1.4 milyong kumpirmadong kaso ng sakit.

Facebook Comments