Lockdown sa Senado, pinalawig

Pinalawig hanggang sa susunod na Martes ng gabi ang lockdown sa gusali ng Senado.

Deriktiba ito ni Senate President Tito Sotto III base sa payo ng mga doktor ng Senado.

Habang naka-lockdown ay walang plenary session at walang pasok ang mga empleyado.


Nagsimula ang lockdown sa gusali ng Senado nitong Martes dahil sa mga empleyadong nagpositibo sa COVID-19.

Sa Miyerkules na magbabalik ang sesyon ng Senado upang ihabol ang maraming panukalang batas mula sa Kamara at mga local bill.

Kasunod nito ay magsisimula na ang Lenten break hanggang sa May 16.

Facebook Comments