Locsin, iginiit na walang makakapigil na italakay ni PRRD ang The Hague ruling sa China

Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang makakapigil kay Pangulong Rodrigo Duterte na italakay kay Chinese President Xi Jinping ang 2016 The Hague Arbitration Ruling ng United Nations.

Ayon kay Locsin – gagawin at ipaglalaban ng Pangulo kung ano sa tingin niya ay tama para sa bansa.

Wala ring nakikitang dahilan ang kalihim para hindi matuloy ang China visit ng Pangulo.


Aniya, patuloy ang paghahanda sa nakatakdang biyahe ng Pangulo patungong China.

Noong July 12, 2016 – pinaboran ng Permanent Court of Arbitration ang petisyon ng Pilipinas na nagbabasura sa historical claims ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Facebook Comments