Locsin, kinompronta ang mga militante at iginiit na walang pinapanigan ang Pilipinas sa Iran at US

Matapang na hinarap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin ang mga militanteng grupong sumugod sa kanyang tanggapan.

Ang grupong Bayan Muna, Migrante, at Courage ay nagtungo DFA Main Office at inihayag nila ang pangkondena sa plano ng gobyerno na magpadala ng mga sundalo sa Middle East.

Dito ay naghamunan at nagkantwayan sa pagitan ng kalihim at ng mga militanteng grupo.


Tinutulungan na si Locsin ng security, pero inutusan ng kalihim na lumayo ang mga ito.

Iginiit ni Locsin – na walang kinakampihan ang Pilipinas sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Nais aniya ng gobyerno na tiyaking ligtas ang mga Pilipino sa Middle East.

Mas tinutukan din ngayon ang problema sa dumaraming undocumented OFWs sa Iraq.

Tiniyak ng DFA na sagot ng gobyerno ang lahat ng penalty ng mga undocumented OFW na ayaw pakawalan ng kanilang mga employer sa Iraq.

Wala na ring ipinatutupad na ang mandatory repatriation sa Iran at Lebanon.

Kasabay nito, panawagan naman ni Migrante spokesperson Arman Hernando, dapat linawin ni Pangulong Duterte na ang pagpapadala ng mga sundalong Pilipino ay hindi pagsuporta sa giyera ng Amerika.

Facebook Comments