Sa kanyang video message sa 26th Conference of Parties (COP26) Climate Summit sa Glasgow, Scotland, ipinanawagan ni Department of Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin ang global warming at ang epekto ng climate change.
Binanggit din ni Locsin ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 75th United Nation (UN) General Assembly tungkol sa “greatest injustice” kung saan ang mga taong nagdurusa nang husto mula sa climate change ay ang mga “least responsible” sa krisis.
Giit ni Locsin, trabaho ng mayayamang bansa na manguna sa pagresolba sa isyu dahil obligasyon ito na hindi dapat iwasan.
Una nang nangako ang Pilipinas na magbabawas ito ng greenhouse gases ng 75% pagsapit ng 2030 bilang bahagi ng kontribusyon nito.
Facebook Comments