Logistic matters, posibleng dahilan ng pagkaantala sa pamamahagi ng AstraZeneca vaccines ayon sa vaccine expert

Posibleng inaayos pa ng pamahalaan ang logistics gaya ng paglalagyan at paghahatid sa mga ospital ng AstraZeneca vaccines bago simulan ang pagbabakuna sa publiko.

Ito ang naging pahayag ni Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo kaya natagalan ang pamamahagi ng higit 480,000 doses ng bakuna mula COVAX facility.

Sa interview ng RMN Manila, ipinaliwanag ni Bravo na mahalagang maisaayos muna ang logistics para maging matagumpay ang paggulong ng COVID-19 vaccination program sa bansa.


Samantala, pinabulaanan din ni bravo ang pahayag ng ilang ‘anti-vaxxers’ o ang mga taong kontra sa bakuna na hindi epektibo ang mga bakunang ito.

Aniya, walang basehan ang kanilang mga pahayag at ginagawa lamang nila ito para takutin ang publiko.

Facebook Comments