Loisa Andalio at Maris Racal, naging emosyonal sa muling pagkikita

Matapos ang ilang buwan, sa wakas ay nagkabati na ang magkaibigan na sina Loisa Andalio at Maris Racal matapos magkaroon ng “misunderstanding”.

Nagkaayos ang dalawa matapos na magkita sa isang party na inorganisa ng kanilang network.

Sa mga photos at video na ipinost sa social media, makikitang mahigpit na nagyakapan ang dalawang teen stars habang hindi naman napigilan ni Loisa na umiyak sa pagkakabati nilang ni Maris.


Una nang inamin ni Maris na nag-ugat ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil sa pagkukumpara sa kanila ng mga fans.

Dahil dito, bigla na lang daw nawala ang closeness nila sa isat-isa.

Facebook Comments