Loisa Andalio, excited na sa bagong sariling bahay

Excited na ang teen actress na si Loisa Andalio na lumipat, kasama ang kanyang pamilya sa kanilang dream house.

Malapit na kasing matapos ang pinapagawang bahay ni Loisa sa Cavite.

Ayon sa latest Instagram post ng aktres, sa wakas ay matutupad na rin daw ang isa sa kanyang mga pangarap na magkaroon ng sariling bahay at sariling kuwarto matapos ang dalawampung taong nakikitira sa iba.


Magkikita rin sa litrato sa Instagram account ng aktres na “finishing” na lang ang kulang sa “three-story house” ng aktres.

Facebook Comments