Manila, Philippines – Hiyang-hiyang ngayon ang aktres na si Loisa Andalio makaraang maka-holding hands ang aktor na si Dingdong Dantes , imbes na ang kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte.
Sa ikinagawang thanks giving party ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pelikula kung saan co-stars sina Vice Ganda, Dingdong, Ronnie, at Loisa, huli sa camera ang pagnanais ni Loisa na maka-holding hands si Ronnie.
Pero aksidenteng naabot niya ang kanang kamay ni Dingdong Dantes, na katabi ni Ronnie ng mga oras na iyon.
Base sa video, nakatayo si Loisa sa harap ni Ronnie at hindi nakatingin ang dalaga nang aabutin sana ang kamay ng nobyo.
Bagama’t may kalabuan ang video, maaaninag na parehong natawa sina Dingdong at Ronnie sa malinaw na blooper ni Loisa.
Say ni Loisa, most embarrasing moment ang nangyaring iyon sa kanya kung saan gusto daw nitong magtago sa hiya ng mga oras na ito.
Umani naman ito ng komento ng iba’t ibang artista at sinabing natawa sila sa nangyari.