Lokal na agrikultura at pagpigil sa smuggling, kailangang tutukan ng gobyerno para makalikha ng maraming trabaho

Iginiit ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na tutukan ang lokal na agrikultura at hindi ang importasyon.

Paliwanag ni Pangilinan, kung mas malaki ang budget at suporta ng gobyerno sa agriculture, imbes na sa pag-import lang ng pagkain ay mas marami ang mag-i-invest at magta-trabaho sa agrikultura.

Hiling din ni Pangilinan sa gobyerno na sugpuin ang smuggling dahil pinapatay nito ang kasalukuyang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda.


Diin ni Pangilinan, ang nabanggit na mga hakbang ay tiyak na magbubukas ng mas maraming trabaho.

Ayon kay Pangilinan, ito ang mainam na tugon ng gobyerno sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na dumami ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho sa bansa.

Sinabi ni Pangilinan, na kailangan ng mga magsasaka at mangingisda ang agarang tulong dahil sila rin ay mga frontliner bilang mga food producer ng bansa.

Facebook Comments