Lokal na negosyo, patuloy sa pagbangon kasunod nang pagpapanatili ng malaking bahagi ng bansa sa Alert Level 1

Tumataas na ang kumpyansa ng mga negosyo at ng publiko sa loob ng isang buwang umiiral ang Alert Level 1 sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion na talagang bumabangon na ang mga lokal na negosyo.

Kung dati aniya ay may diskwento pa ang renta sa ilang pwesto, ngayon ay halos wala na dahil gumaganda na ang takbo ng negosyo at nakakabawi na ang mga negosyante.


Ani Concepcion, maging ang mga bangko ay nagsisimula na ulit magpautang sa mga negosyante.

Maganda rin aniya ang itinatakbo ngayon ng sector ng turismo mula nang payagan nang makapasok sa bansa ang mga dayuhan, lalo pa at bubuksan na ang bansa sa lahat ng turista simula sa Abril 1 kung saan mas malaking oportunidad ang naghihintay para sa mga tourism workers.

Facebook Comments