LOKAL NA PAMAHALAAN AT KAPULISAN NG CAUAYAN, MAGSASAGAWA NG 2-DAY LTOPF CARAVAN

Cauayan City – Nakatakdang isasagawa ang dalawang araw na License To Own and Possess Firearm One-Stop-Shop Caravan sa lungsod ng Cauayan sa darating na ika-22 at 23 ng Agosto.

Ang aktibidad na ito ay pangungunahan ng Lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Cauayan katuwang ang Cauayan City Component Police Station, bilang parte pa rin ng pagdiriwang ng kaarawan ni Cauayan City Mayor Hon. Jaycee Dy.

Layunin ng aktibidad na ito na mailapit na sa mga gun enthusiasts at gun owners ang serbisyo sa pagpaparenew at pagkuha ng kanilang mga lisensya.


Kabilang sa serbisyong hatid ay ang registration evaluation, drug test, creation at migration ng account, neuro-psychiatric exam, at gun safety seminar.

Inaanyayahan naman ang lahat ng gun owners na samantalahin ang pagkakataong ito at kunin ang serbisyong kanilang kailangan ngayong inilapit na ito sa kanila.

Facebook Comments