Lokal na pamahalaan, may babala kaugnay sa pagparada sa mga pangunahing kalye sa Maynila

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada sa mga pangunahing lansangan sa Lungsod ng Maynila.

Ito ang ini-anunsyo ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Ayon sa MTPB, ang lahat ng nakaparadang sasakyan sa mga daanan sa lungsod ay ika-clamp.


Kaugnay nito ay pinaalalahanan din ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga may-ari ng mga sasakyan na huwag maging sanhi ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa Maynila.

Giit ng Manila City Government sa lahat, maging responsable sa pagpa-park ng mga kotse at iba pang mga behikulo.

Facebook Comments